Bam saludo kay PNoy

MANILA, Philippines - Saludo si Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino sa pinsang si Pangu­long Noynoy Aquino, sa pagpasok ng pangulo sa prestihiyosong “TIME 100 Most Influential People in the World” ng TIME Magazine.

Pinarangalan ng naturang magazine si Pa­ngulong Aquiano dahil sa pagpapabulusok nito sa ekonomiya ng Pilipinas, sa pagpasa ng Reproductive Health Law, at, pinakaimportante ayon sa TIME, sa pagtindig laban sa bansang China dahil sa labanan sa West Philip­pine Sea/South China Sea.

Matapang daw ang paninindigan ng Pangulo laban sa China, at mas bagay daw sa kanya ang palayaw ng panganay na kapatid na si “Ballsy.”

Ayon kay Bam, na noon pa man ay kasama ng Pangulo sa laban sa demokrasya, “Pinatuna­yan ni PNoy na hindi lang ang pangalang Aquino ang dala niya sa pagsilbi sa bayan. Pinatotoo niya ang mga repormang ipinangako niya noong kampanya, ay talagang ipinaglaban niya ang mga isyung mahalaga para sa mga taumbayan.”

Unang nai-feature si Pangulong Noynoy Aquino sa cover ng TIME Magazine pagkatapos nito manalo bilang pangulo ng bansa noong 2010. Bago nito, ang ina naman ni Pangulong Aquino, si former President Corazon C. Aquino, ay naging “Woman of the Year” ng TIME Magazine dahil sa 1986 People Power Revolution.

Show comments