Biktima ng tuberkulosis dumarami

MANILA, Philippines - Patuloy na dumarami ang bilang ng mga tinatamaan ng sakit na tuberculosis o TB particular sa area ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Batay sa ulat ni dating Maguindanao Provincial Health officer Tahir Sulaik sa Department of Health-Central Office Manila, mula 2010 ay patuloy na dumarami ang kaso ng TB sa ARMM dahil sa kakapusan ng gamot para sa mga pasyente ng naturang sakit.

Hanggang noong 2012,  sinabi ni Sulaik na umabot na sa mahigit isandaang libo  ang nagkasakit ng TB sa ARMM. Sa naturang bilang ay umaabot sa 40 ang namatay.

Humingi umano siya ng gamot sa DOH dahil may limampung pasyente ang nangangailangan ng agarang gamutan para sa TB, subalit hanggang ngayon ay wala pa ring tugon ang kagawaran.

 

Show comments