MANILA, Philippines - Susuportahan ni Bangon Pilipinas Senatorial bet Eddie Villanueva ang pagbuo ng isang “People’s Bank†na magbibigay ng pautang sa mga mahihirap na ibig magnegosyo.
Lumagda ng isang kasunduan si Villanueva sa mga mararalitang taga-lungsod para ang mga ito ay mabigyan ng mahalagang papel sa pag-angat ng ekonomiya.
Sa isang seremonya sa Smokey Mountain sa Balut, Tondo, Maynila, nangako si Villanueva na magiging pangunahin sa mga ihaharap niyang panukalang batas kung mananalong senador ang pag-aangat sa kalagayan ng mga maralita.
Sabi rin ni Villanueva na susuportahan niya ang lokal na mga negosyo sa pangunguna ng mga mararalita. Aniya gagawin niyang modelo ang micro-entrepreneurship sa paglikha ng People’s Bank na magbibigay ng pautang sa mga mararalitang magnenegosyo.
Magiging prayoridad din niya ang pagpapasigla ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng libreng edukasyon.
“With the recent strengthening of the economy, no one should be left behind,†Ani Villanueva.