MANILA, Philippines - Hiniling ni Team PNoy senatorial candidate Edgardo “Sonny†Angara sa mahigit 100 state colleges and universities (SUCs) sa bansa na huwag magtaas ng matrikula at iba pang bayarin upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na estudyante na makapag-aral sa daraÂting na pasukan.
Ang apela ay matapos magpetisyon ang mga pribadong unibersidad at kolehiyo laban sa nakaambang pagtataas ng sisingiÂling matrikula sa darating na pasukan.
Sinabi ni Angara, chair ng House of Representatives’ committee on technical and higher education, tungkulin ng mga SUCs na maningil ng abot kayang matrikula upang makapag-aral ang mahihirap na kabataan at ang mga galing sa pamilyang may kakarampot na sahod.
“Hindi ito ang oras at panahon para magtaas ng matrikula,†paliwanag ni Angara, dahil na rin sa malagim na pagkamatay ng isang mag-aaral ng UP-Manila na hindi nakabayad ng matrikula sa oras na patuloy na bumabagabag sa kunsensiya ng bansa.
Ayon kay Angara, ang SUCs ang kadalasang pinipili ng mga bagong nagtapos ng high school lalo na sa lalawigan kayat dapat lamang na buksan nila ang kanilang pinto sa mahihirap ngunit matatalinong mag-aaral. Sa ngayon, nagbibigay ang pamahalaan ng suportang pinansiyal sa SUCs bukod pa sa sinisiÂngil nilang matrikula sa ilalim ng batas.
Nakatutok ngayon si Angara sa panukalang programa na tinawag na “isang batang nagtapos sa kolehiyo kada mahirap na pamilya†sa ilalim ng Conditional Cash Transfer (CCT) ng pamahalaan at ang pagkakaroon ng batas tungkol sa Expanded Study Now Pay Later Plan na naihain na ni Angara sa Kamara ngunit hindi na nagawang talakayin dahil sa kakulangan sa panahon. Muli niyang ihahain ang nasabing panukala sakaling mahalal sa Senado.