MANILA, Philippines - Itinaas ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa P45 milyon ang ilalaan para sa kanilang programa sa “school feeding†sa darating na pasukan na 2013-14 sa lahat ng pinakamahirap na eskwelahan sa buong bansa.
Sinabi ni Chairman Cristino Naguiat, Jr., dinagdagan nila ng P5 milyon ang P40 milyong pondo para sa pagpapakain sa mga “undernourished†na mga mag-aaral upang higit na makarating sa marami pang naghihirap na paaralan.
Noong school year 2012-13, higit sa 10,000 mag-aaral ang sumailalim sa kanilang programa sa koordinasyon sa Department of Education (DepEd). Naglaan umano sila ng meal allowance kada araw sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan mula P30-P40.
Isinasagawa ang kanilang feeding program sa loob ng limang buwan sa lahat ng Casino Filipino branches sa buong bansa kung saan pinipili ang mga estudyane na “malnourishedâ€.
Sa ulat ng DepEd nitong Agosto 2012, nasa 562,262 mag-aaral sa kindergarten at elementarya ang naiklasipika na “undernourishedâ€. Kaya lamang pakainin ng DepEd Health and Nutrition Center (HNC) ang 42,372 mag-aaral sa kanilang hawak na pondo o 7.54% ng kabuuang bilang kaya kailangan ang tulong ng PAGCOR.