No. 2 nakopo na ni Cayetano

MANILA, Philippines - Kopo pa rin ng administration senatorial bets ang Number 1 at 2 slots sa pinakahuling survey kung saan tuluyan na umanong nalampasan ni reelectionist Sen. Alan Peter Cayetano sa number 2 slot si Sen.ChizEscudero na ngayon ay umookupa na sa Number 3.

“Cayetano dislodged Escudero in 2nd place,” ayon sa survey firm na Issues and Advocacy Center.

Ang nasabing survey ay ginawa sa pamamagitan ng face to face interviews sa may 1,200 respondents sa pagitan ng Marso 14-22, 2013.

Si Loren Legarda ay nakakuha ng 57.3 percent na sinundan sa ikalawang pwesto ni Cayetano (52.56 percent), Escudero (50.7%) at Cynthia Villar (47.32%), nasa ikalima si Koko Pimentel (46.96%), ikaanim si Joseph Victor Ejercito (46.53%) at nasa 7 slot si Nancy Binay (45.54%) na sinundan sa ika-8 pwesto ni Grace Poe-Llamanzares (43.39%) at 9 na pwesto si Antonio Trillanes (43.29%). Nasa ika-10 at 11 sina Gregorio Honasan at Bam Aquino. Nasa 12 at 13 slot naman sina Sonny Angara at Juan Miguel Zubiri.

Matatandaan na sa nakalipas na survey ng Pulse Asia ay kapwa naghahabulan na para sa Number 1 spot sa magic 12 sina Legarda at Cayetano matapos bumaba ng 6 puntos si Legarda habang patuloy naman umano ang pagtaas sa ratings ni Cayetano na ayon sa political analyst na si Ramon Casiple ay indikasyon umano na bukas na ang top 1 slot at hindi na ito palagiang hawak ng senadora.

Show comments