MANILA, Philippines - Hinihimok ni dating Las Piñas Representative at Team PNoy senatorial candidate Cynthia Villar ang mga bagong college graduate na ikonsidera ang entrepreneurship o pagnenegosyo bilang alternatibo sa paghahanap ng trabaho.
Sinabi pa ni Villar na hindi dapat panghinaan ng loob ang mga nagtapos sa kolehiyo sa problema ng unemployment at underemployment sa Pilipinas.
Ginawa ni Villar ang panawagan nang magtalumpati siya sa commencement exercise kamakailan ng mahigit 1,200 graduates ng Bataan Peninsula State University (BPSU) sa Bataan kasabay ng pagtanggap niya sa Honoris Causa in Doctor in Humanities na ipinagkaloob sa kanya ng BPSU.
“Meron pang ibang alternatibo. Maaaring maÂging isang negosyante, maging employer sa halip na maging employee. Sana, marami sa inyo ang tumahak sa pagnenegosyo,†sabi ni Villar.
Bilang isang aktibong tagapagtaguyod ng pagnenegosyo o entrepreneurship, binanggit ni Villar ang kuwento ng tagumpay ng real estate business ng kanyang pamilya na nagsimula lang sa isang maliit na gravel and sand company.
“Nang kami ni (Senator) Manny ay nagsimula sa aming negosyo noong 1970s, meron lang kaÂming P10,000. Umutang kami ng P70,000 sa isang banko para makabili ng dalawang segunda manong trak na ginamit namin sa pagdedeliber ng buhangin at graba sa mga construction companies. Nakita noon ni Manny ang potensiyal sa paggawa ng maliliit na bahay. Ipinursige namin ang aming pangarap sa pamamagitan ng sipag at tiyaga,†dagdag niya na nagbanggit na ang pagnenegosyo ay isang paraan para makawala sa kahirapan.