Pagpapatule tiyaking malinis

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na tiyaking ligtas at malinis ang proseso ng circumcision o pagpapatule ngayong bakasyon.

Ang payo ni Dr Lyndon Lee Suy, pinuno ng Emerging and Re-emerging Diseases ng DOH, ay sa harap na rin ng tradisyon na pagpapatule na karaniwang ginaganap tuwing sasapit ang summer.

Ayon sa opisyal, kailangang malinis ang proseso ng pagpapatule para makaiwas sa  impeksiyon at anumang kumplikasyon ang mga bata.

Nabatid na karaniwan pa ring ginagawa ngayon lalo na sa mga lalawigan ang pagtutule sa pamamagitan ng “pukpok” imbes na dumulog sa mga manggagamot.

Pinaliwanag ni Dr. Lee Suy na bagaman walang batas sa Pilipinas na nagtatakda ng circumcision, itinuturing na rin ng mga Pilipino ang kahalagahan nito dahil napananatili nito na maging malinis ang bahaging iyon ng mga lalaki.

Nilinaw din ng doctor na ang pagpapatuli ay wala rin aniyang kaugna­yan sa sinasabing  pagtaas o pagtangkad ng mga sumasailalim dito.

 

Show comments