MANILA, Philippines - Isang bagong bird flu virus na H7N9 ang nadisÂkubre kung saan ayon sa report, tatlo katao na ang kumpirmadong tinamaan sa China, dalawa ang naÂmatay at sa ngayon ay sinasabing may apat pang tinamaan na umano ay nasa kritikal na kondisyon.
Nabatid na hindi pa tukoy kung ang H7N9 ay galing sa ibon, baboy o sa mga tao.
Sinabi naman ni Dr. Lyndon Lee Suy, pinuno ng Emerging and Re-emerging Diseases ng DOH, na walang dapat na ipangamba ang publiko laban sa umano’y panibagong pagkalat ng bird flu virus.
Ayon kay Dr. Lee Suy, wala pang dokumentadong kaso ng human-to-human transmission ng naturang bird flu.
Binanggit pa ng doctor na hindi pa rin malinaw kung bagong uri ng mikrobyo o mutation ang nasabing virus.
Ang katiyakan ay ginawa ng doctor dahil na rin sa pangamba ng publiko na makapasok sa bansa ang naturang sakit na nakamamatay.