Bagong milyonarya ng PCSO binulungan ng ‘guardian angel’

MANILA, Philippines - Binulungan umano ng kanyang “guardian angel” ang bagong milyonarya ng PCSO na huwag ng palitan ang 6/45 card na naibigay sa kanya ng teller gayung 6/42 ang hiningi niya kaya tinamaan ang P43,000,342.20 sa nakaraang March 18 6/45 lotto draw.

Limang taon nang tumataya sa lotto ang 21-anyos na dalaga mula sa Pasig City hanggang sa mapadaan siya sa isang lotto outlet sa Taguig City at naisipan niyang tayaan ang winning combinations na 11-16-21-03-08-29 na birthdate ng kanyang mga kapatid.

Newly college graduate lamang ang dalaga at binalak pa sana niyang papalitan ang naibigay sa kanyang 6/45 na card ng teller pero parang binulungan siya ng kanyang guardian angel na ito na lamang ang kanyang ta­yaan ng halagang P30.

“Mabuti na lang po sir, may Guardian Angel po na bumulong sa akin. Kung nagkataon hinimatay po ako sa laking pagsisi sa buhay ko,” wika pa ng dalaga ng kunin ang kanyang tseke mula kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II noong Biyernes sa PICC, Pasay City.

Show comments