MANILA, Philippines - Kinasuhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rozzano “Ruffy†Biazon sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang consignee matapos na tangkaing ipuslit ng mga ito ang mga smuggled imÂported na sasakyan na nagmula sa bansang Japan at USA.
Kinilala ni Biazon ang dalawang consignee na sina Anthony F. Soriano at Sonny Villatuya, ng Ranths General MerÂchanÂÂdiseÂ. Sinampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Section 3601 and 2530 of Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) at Executive Order No, 156 o pagbabawal na mag-import ng mga segunda manong mga sasakyan.
Ayon kay Biazon, base sa record ng BoC tinangkang ipuslit ni Villatuya ang 14 smuggled imporÂted used right hand drive na mga sasakyan na nagkaÂkahalaga ng P5 million noong Disyembre 2012 at Pebrero 2013 na mula Japan.
Nasabat ang mga ito sa Manila InternaÂtional Container Port (MICP), Port of Manila.
Nahaharap din si Soriano sa kasong smuggling matapos masabat noong Pebrero 9, 2013 sa Davao Port ang 40-footer container van nito na nag lalaman ng mga smuggled Range Rover, Mini Cooper at Nissan 350-Z, na nagkakahalaga ng P4 million, na galing ng Long Beach, California, USA.