MANILA, Philippines - Binigyang-diin ng mga opisyal ng Philex Mining Corporation sa Senado na patunay sa “vote of confidence†ng gobyerno sa Philex Mining bilang isang “responsible miner†ang naging desisyon ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) at Pollution Adjudication Board (PAB) na pansamantalang buksan ang Padcal mines nito sa Benguet.
Sinabi ni Atty. Michael Toledo, Philex senior vice president for corporate affairs, sa joint hearing ng Senate Committee on Environment and Natural Resources at ng Committee on Health and Demography na nagbigay na ng go-signal ang MGB at PAB, mga ahensya sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), para ituloy ng kompanya ang operasyon nito sa loob ng apat na buwan upang kumpletuhin ang P2-bilyon “beaching†process na magpapatibay sa inayos na Tailings Pond No. 3 (TP3).
“Ang naturang beaching process, na inirekomenda ng mga foreign engineering experts na kinuha ng Philex para tumulong dito sa pagpapatupad ng P4-bilyon rehabilitation and remediation work, ay naglalayong siguruhin ang kaligtasan ng mga manggagawa at ng mga residente sa mga host-communities at pangalagaan ang kapaligiran bilang paghahanda na rin sa panahon ng tag-ulan ngayong Hunyo o Hulyo,†ani Toledo.
Taliwas sa mga bintang ng mga diumano’y environmentalists laban sa Padcal incident, sinabi ni Toledo na pawang imahinasyon lang ang kanilang mga agam-agam dahil wala namang nangyaring toxic spill at wala namang ni isang namatay sa Benguet accident.