Coed sapol ng patrol car

MALOLOS CITY, Philippines  - Isang kolehiyala ang muntik mapatay ng isang humahagibis na patrol car ng pulisya sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Resna Bulinan, 18, ng Calumpit at mag-aaral ng Centro- Escolar University (CEU) Malolos campus na agad isinugod sa Bulacan Medical Center.

Ayon kay SPO4 Gil Punzalan, traffic investigator ng Malolos City Police Office, ang biktima ay nasagasaan ng patrol car 461 ng Malolos PNP na minamaneho ni PO3 Galdwin Lajom.

Ang insidente ay naganap sa kahabaan ng MacArthur Highway sa harap ng CEU-Malolos campus bandang alas-3 ng hapon noong Martes.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tumawid mula sa campus ang mag-aaral ng mabundol ng patrol car na nagmamadali dahil magreresponde sa isang insidente ng barilan sa lungsod.

Show comments