MANILA, Philippines - Kumpirmado na umaÂno ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang pagdating sa Pilipinas ng isang “assassination team†buhat sa Malaysia upang likidahin si Sultan Jamalul Kiram III at Pastor Boy Saycon, tumatayong adviser ng Sultanato ng Sulu.
Sinabi ni Saycon na sa impormasyong nakaÂrating sa kanya buhat sa kaibigang abogado at consultant ng kumpanya na nasa likod umano ng assassination plot, pinamumunuan ng isang MaÂlaysian Colonel ang grupo na may apat pang military men. Nag-check-in umano ang mga ito sa Maxims Hotel kamakalawa na nakumpirma na umano ng ISAFP ngunit agad na nakaalis ang mga ito.
May nire-recruit rin umano ang grupo na tatlong “hitman†na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) buhat sa Quezon. Kumpirmado na Malaysian umano ang opisyal dahil sa Malaysian ang numero ng telepono na ginamit na pantawag sa kaibigan niyang abogado.
Nakatakdang magtuÂngo naman sa National Bureau of Investigation (NBI) ang grupo nina SayÂcon upang iulat rin ang ukol sa “assassination plotâ€.
Sinabi pa nito na nagtataka sila kung paano nakapasok ng Pilipinas ang grupo ng mga Malaysian kung saan naghigpit na ng seguridad ang Sultanato at mga kaanak nito.
Samantala, sinabi naman ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Jose Erwin Villacorte na kanila nang iniimbestigahan ang ulat ng planong asasinasyon sa pamilya Kiram at nakatakdang makipag-ugÂnaÂyan kina Saycon ukol dito.
Isinasailalim na rin sa beripikasyon ng intelligence operatives ng PNP ang umano’y assassination plot.