MANILA, Philippines - Pabor ang ilang mambabatas sa bagong polisiya ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board na i-phase out ang mga lumang UV Express sa lansangan. Ayon kina Ako Bicol Party list Rep. Rodel Batocabe at Zambales Rep. Mitos Magsaysay, tama ang hakbang ng LTFRB para na rin maprotektahan ang mga commuters at ang kapaligiran mula sa polusyon na galing dito. Dapat din naman komportable ang mga commuters na sumasakay sa mga taxi. Paliwanag pa ni Magsaysay, kung luma na umano ang mga taxi kadalasan ay mahina na ang aircon nito at sirain na kaya hindi na rin komportableng sakyan bukod pa sa magastos itong i-maintain ng mga driver at operators. Sa nasabing hakbang ay tiyak na maaapekÂtuhan ang mahigit 1,000 UV express operators kayat dapat na gumawa ng hakbang ang gobyerno kung paano matutulungan ang mga ito gayundin ang mga driver na mawawalan ng trabaho.