P3M motorsiklo, sasakyan naharang

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa mahigit tatlong milyong pisong halaga ng mga smuggled na motorsiklo at sasakyan ang nasabat ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rozzano “Ruffy” Biazon sa port ng Davao.

Ang mga nasabat na smuggled Harley Davidson big bike at Dodge Car Ram 1500 model ay iprisinta ni Atty. Martiniano Bangcoy, district collector ng Tipasco, Davao Port.

Base sa report, ang Harley Davidson big bike ay tinatayang P1.2 million, samantalang ang Dodge Car Ram ay nasa P2.5 million ang halaga.

Ang naturang mga kontrabando ay nasa loob ng isang forty-footer container van galing sa Long Beach, California, USA na tinangkang ipuslit sa naturang port noong Pebrero 21, 2013.

Kamakailan ay nasabat din ng mga tauhan ni Biazon ang tatlong imported na sasakyan na mahigit sa apat na milyong piso ang halaga at mga float glass na P25 million na nagmula naman sa China.

Ayon kay Biazon, ang consignee ng naturang mga smuggled big bike at Dodge Car ay ang Ranths General Merchandise na takdang sampahan ng kaso.

 

Show comments