MANILA, Philippines - Tumanggap ng P189.05-milyon kabuuang halaga ng loan ang siyam na pribadong kumpanya mula sa Business Development Loan Facility (BDLF) ng Social Security System (SSS) para sa mga proyekto nito.
Ayon kay SSS Asst. Vice President for Lending and Asset Management Ma. Luz C. GeneÂroso, ang siyam na kumpanya na binubuo ng service providers, real estate at construction firms, at traders ng iba’t ibang produkto ay nakatanggap ng bawat isang loan na nagkakahalaga ng P1-milyon hanggang P43-milyon. Sila ang kauna-unahang grupo ng mga kumpanyang nakatanggap ng corporate loans mula sa BDLF na binuksan noong 2012.
“Ang BDLF ay isa sa mga programa ng SSS na sumusuporta sa mga gawain ng pamahalaan sa pagpapalawak ng access sa pautang ng iba’t ibang sektor upang mapalakas ang ating ekonomiya. Magsisilbing dagdag-pondo sa pagpapalago ng mga negosyo ang halaga ng mauutang ng mga member-employers sa BDLF,†paliwanag ni Generoso.
Sa ilalim ng BDLF, maaaring mangutang ang mga rehistradong micro-business enterprises at alinman sa mga sumusunod na kumpanya kung saan 60-bahagi ng mga ito ay pagmamay-ari ng Pilipino: single proprieÂtorship, partnership, cooperative at non-goÂvernment organization.
Ang SSS BDLF ay nagbibigay ng loan para sa mga kumpanyang naghahanap ng pondo pang-kapital, para sa site development, pagbili ng ibang negosyo o kagamitan, pagpapaganda ng pasilidad, at pagpapagawa o pagpapaayos ng gusali. Maaari ring mag-loan ang kumpanya ng kalahati ng halaga ng lupang nais bilhin sa BDLF.
Pinahihintulutan din ng BDLF na makaÂutang ang mga kumpanyang may mga overdue payÂments sa loan at kontribusyon. Ayon sa guidelines ng programa, ikakaltas ang mga kakulangang ito sa halagang mauutang ng kumpanya sa ilalim ng BDLF.
Ipinahayag din ni Generoso na may 43 karagdagang trabaho ang nalikha mula sa mga kumpanyang kumuha ng BDLF loan. “Bagamat maliit lang ang bilang na ito, nagpapatunay pa rin na may epekto ang programa sa ating ekonomiya dahil hindi lamang nito natutulungan ang ating mga miyembro kundi maging ang ating bansa sa paglikha ng trabaho,†ani Generoso.
Ang mga accredited banks na maaaring puntahan para kumuha ng SSS BDLF loans ay ang Development Bank of the Philippines, Land Bank of the Philippines, Philippine Veterans Bank, Planters Development Bank, Valiant Rural Bank – Iloilo, Philippine National Bank at Banco de Oro Unibank, Inc.