MANILA, Philippines - Maaga pa lamang bago sumapit ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Pilipino Star Ngayon (PSN), excited na ang mga empleyado dahil sa mga programang inihahanda.
Isang buwan bago mag-anibersaryo, sunud-sunod na ang nagaganap na meeting ng mga departamento bilang prepaÂrasyon sa bonggang anniversary issue.
May ilang taon na ring hindi bababa sa 100 pahina ang kadalasang inilalathala ng PSN sa aming anniversary issue.
Hindi magkandaÂugaga ang advertising department ng PSN sa pagtanggap ng mga ads para sa nasabing issue.
Sa amin naman sa editorial, kailaÂngang maaga ring maihanda ang mga ilalathalang mga article. Ilang gaÂbing puÂyatan para sa daang pahina.
At kapag natapos na ang deadline para sa lahat ng pahina na nakatakdang ilabas, sa circulation department naman nakaÂatas ang pagsasaayos at distribution nito. KakaÂilaÂnganin ang maÂraÂming taÂuhan para sa insertion.
Pero kapag natapos na ang lahat ng ito, ang kasunod naman ay ang mga bongga nang pagsasama-sama sa selebrasyon.
Laging bongga ang ganitong mga pagdiriwang sa PSN na talaga namang inaabangan ng mga empleyado. Bukod sa mga bonggang pagkain, may bonus at mga regalo pa buhat sa management.
Dobleng selebrasÂyon pa ngayon ang aming ipagdiriwang dahil ang PSN ang napili na Newspaper of the Year (Filipino) sa kagaÂganap pa lamang na 11th Gawad Tanglaw.
Isang malaking karangalan na kilalanin ng isang prestihiyosong award giving body na lalong nagpatingkad sa aming selebrasyon.
Bukas ang selebrasÂyon sa aming opisina, marami na namang sorpresa na inihanda.
Happy anniversary sa ating lahat!