DAGUPAN CITY, Philippines - Nilagdaan na ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10380 o Local Absentee Voting for Media kung saan ay puwede nang makaboto ang mga mediamen kasabay ng Overseas Absentee voters na mas una sa regular elections.
Tuwing eleksyon ay hindi kasi nakakaboto ang mga mediamen na nagco-cover ng eleksyon kaya ipinasa ng Kongreso ang Local Absentee VoÂting for Media.
Nabatid na February 14 pa naisumite sa tanggapan ni Pangulong Aquino ang niratipikahang bersyon ng Kamara.
Sa ilalim ng inaprubahang panukala, ang mga taga media ay papayagan nang makaboto kahit labas sa lugar kung saan sila rehistradong botante kung sila ay naka-duty sa mismong araw ng eleksyon.
Subalit limitado lang sa national positions ang kanilang maaring iboto kasama na ang partylists.
Pinapurihan naman ni Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) acting president Marlon Purificacion ang paglagda ng Pangulo sa RA 10380 o Media Absentee Voting Law.
“Many of us, media members, are in danger of being alienated on Election Day because of the nature of our job, covering another moment in history,†sabi ni Purificacion.