MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Philippine National Police (PNP) sa nagkalat na mga pekeng P1,000 peso bills sa mga pangunahing lungsod sa bansa na umano’y ginagamit ng mga tiwaling indibidwal.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo, ang mga pekeng pera ay ipinakakalat partikular na sa National Capital Region, Ilocos Region, Southern Tagalog Region sa loob ng nakalipas na tatlong buwan.
Ang mga pekeng P1,000 peso bills ay nasa Maharlika area umano sa Taguig City na ibinenta sa isang alyas Jay-R at Roy; pawang residente ng Daang Hari, Taguig City sa halagang P300 bawat isang piraso ng naturang pekeng bills.
Patunay nito, ayon pa sa opisyal ay ang pagkakaaresto sa pitong suspek na nahuling ibinibili ang pekeng P1,000 peso bills at buy bust operations sa Pasay City kamakailan na nagresulta sa pagkakasamsam ng 80 piraso ng naturang pekeng pera.
Nanawagan din si Cerbo sa publiko na ireport kaagad sa mga awtoridad ng illegal na transakyon ng mg pekeng pera sa pamamagitan ng pagte-text s PNP hotline “I-TEXT MO KAY TSIP “ 09178475757 at PNP TXT 2920 o tumawag sa numerong 7255115 o7253179 at maari ring mag-email sa pio@pnp.gov.ph.