MANILA, Philippines - Binansagan ni Team PNoy senatorial candidate Aquilino “Koko†Pimentel III ang kandidato ng oposisyon na si Juan Miguel Zubiri na isang pekeng senador na hindi dapat pamarisan o ilagay sa Senado.
Ayon kay Pimentel, miyembro ng koalisyon ng administrasyon, walang karapatan si Zubiri sa taguÂring senator dahil nagawa niyang makaupo sa Senado sa pamamagitan ng pandaraya.
“Sinasalamin ni Zubiri ang dagdag-bawas na isang sakit sa lipunan sa tuwing panahon ng halalan. Ang pagkakaroon ng isang katulad niya sa politika ang isang dahilan kung bakit nawawala ang tiwala ng ating mga kababayan sa eleksiyon at sa kredibilidad na maisulong ang isang malinis na halalan sa bansa,†pahayag ni Pimentel.
Hiniling din ni Pimentel kay Zubiri na tigilan ang pagpapahayag ng kanyang mga nagawa bilang isang mambabatas dahil isa rin itong pamamaraan ng panlilinlang sa sambayanan.
Iginiit ni Pimentel na nailuklok si Zubiri ng Commission on Elections dahil sa mga botong likha ng malawakang dayaan sa Mindanao na siyang nagpadagdag sa kanyang boto para makuha ang ika-12 puwesto noong 2007 senatorial elections.