MANILA, Philippines - Nangangamba ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na maulit ang naganap na “Arab Spring†sa hanay ng mga overseas Filipino workers na nasa Sabah dahil sa patuloy na kaguluhan.
Sinabi ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People executive secretary Father Edwin Corros na tulad sa nangyaring Arab Spring noong 2010 ay higit na naapektuhan ng kaguluhan sa gitnang Silangan ang mga OFW.
Sabi ni Fr. Corros, hanggang hindi nareresolba ng gobyerno ang claim ng mga Pilipino-Muslim sa Sabah ay manganganib ang buhay at maaapektuhan ang kabuhayan ng mga OFW doon.
“Nakita natin ang pattern ng ating mga kababayan na kung sila ay considered migrants, sila ang unang maka-cast out lagi and it happened several times. Hindi lang naman ito ang una kundi halimbawa noong nagkaroon ng Arab Spring sa Middle East. Una silang palalayasin so walang pagkakaiba yan sa mga Pilipino na nasa Sabah, kahit sa Kota Kinabalu ay ganun din ang mangyayari sa kanila. Wala silang kinalaman sa isyung political pero sila din yung unang magiging panangga at dadanas ng consequences dulot ng mga issues na yan,†ani Fr. Corros.
Tinutuligsa rin ni Fr. Corros ang pananakot ng administrasyong Aquino na sampahan ng kaso si Sultan Jamalul Kiram III dahil sa kaguluhan sa Sabah.
Sabi ni Corros na kailangan munang kausapin ng gobyerno ang SultaÂnato ng Sulu at pauwiin ang mga armadong PiÂlipino-Muslim sa Sabah sa halip na takutin ng pag-aresto at sampahan ng mga kaso.
Nabatid na 57,500 ang mga OFW na mayroong working permit sa Malaysia habang 95,951 naman ang illegal na Pilipino sa nasabing bansa.