Appointment ni Lanto babawiin

MANILA, Philippines - Nanganganib na bawiin ni Pangulong Aquino ang appointment ni dating Lanao del Norte Rep. Macabangkit Lanto sa Comission on Elections (Comelec).

Magugunita na iniha­yag mismo ng Pangulo kamakalawa sa Davao City na itinatalaga na nito sina Lanto at election lawyer Bernadette Sardillo bilang mga bagong commissioners ng Comelec.

Natuklasan na natanggal sa pagiging kongresista si Lanto noong 1994 matapos magdesisyon ang House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na nakinabang umano sa dayaan si Lanto.

Itinanggi naman ni Lanto na nandaya siya sa eleksyon bagkus ay igi­niit na siya ang biktima ng dayaan sa HRET.

Pero inamin ni Lanto na isa sa mga “backer” niya sa posisyon si Sen. Franklin Drilon.

Show comments