MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagba-sura ng Korte Suprema sa petisyon laban sa political dynasty, muling iginiit ng isang independent candidate ang kanyang panawagan na wakasan na ngayong May 13 elections ang mga political dynasty na ginagawang pampa milyang bigasan ang Senado, Kongreso maging ang lahat ng pwesto sa local governments.
Ayon kay indepen-dent candidate for Senator Ricardo Penson, mistula umanong family business at kina-career na ng buong mag-anak ng mga trapo, mayaman at makapangyarihang politiko ang lahat ng pwesto sa gobyerno --- kahit sila’y walang mga pinag-aralan at sapat na kakayanan --- para mapigil lang ang leaders na karapat-dapat at mahinto ang nakawan at katiwalaan sa gobyerno.
“Once and for all, lets stop political dynasty dahil ito’y mahigpit na ipinag-babawal sa Section 26, Article II ng ating 1987 ConsÂtitution na naglalaÂyong ma bigyan ng patas na Âkarapatan sa public ser vice lahat ng kwalipikadong mamamayan,†sabi ni Penson.
Si Penson ang tanging kandidato na suportado ng SANLAKAS, Partido Lakas ng Masa (PLM), at lead convenor na Krusada Kontra Dynasty na kasapi sa grand coalition ng lahat ng grupong lumalaban sa political dynasty.