Programang ‘dagdag kita para sa pamilya’ inilunsad

MANILA, Philippines - Ang Twin Realty ay nag-aanyaya sa mga overseas Filipino workers , propesyonal, maybahay, nasa gobyerno, pribadong tanggapan o businessman, college gra­duate o college level na naghahanap ng pagkakataong magkaroon ng karagdagang kita o hanapbuhay sa gaganaping Business Opportunity Seminar (BOS) sa buong buwan ng Marso 2013, 9:00AM sa Leighton Hall ng Lancaster Village sa Alapan Imus, Cavite.

Layunin ng nasabing programa na matulungan ang ating kababayan na kumita sa pamamagitan ng pagbibigay ng referral sa mga nagnanais na magkaroon ng bahay at lupa o kaya ay mag-ahente sa nabanggit na kumpanya. Sigurado na makapagbibigay ito ng trabaho sa ating mga kababayan upang maibsan ang unemployment sa bansa. Ayon sa TRI, maaaring “makatulong ka na, kumikita ka pa” sa ekstrang oras lamang na ilalaan.

Ang BOS ay sinasagawa sa mga baguhang ahente upang maihanda sila at magkaroon ng ideya sa mga bahay at lupang ibinebenta tulad ng tamang pagdodokumento, mga alituntunin sa real estate at kita/komisyon na matatanggap. Para sa karagdagang detalye, maaring tumawag sa mga sumusunod na telepono, Manila Line 029846488, 0917-8912364 at 0917-8912363. Maaari ring mag e-mail sa twin_realty03@yahoo.com o bisitahin ang website na www.twinrealty.com.ph.

Show comments