MANILA, Philippines - Maaari nang muling magkapagtrabaho ang mga OFWs sa Iraq at Yemen matapos na alisin na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level matapos humupa ang maÂtinding kaguluhan sa mga naturang bansa.
Kasabay nito, nilinaw ng DOLE na para sa Iraq, kailangan aniyang bumuo muna ng bilateral agreement na siyang gagawa ng regulasyon sa pagtatrabaho ng mga newly-hired o bagitong OFW doon.
Para naman sa mga dati nang nagtatrabaho sa Iraq ay maaari na rin silang bumalik doon basta’t may maipiprisintang kontrata.
Samantala, kapwa naman naalis na ang deployment ban para sa mga newly-hired at dati nang OFW sa Yemen.
Matatandaang ipinatigil ng gobyerno ang pagpaÂpadala ng mga Pinoy workers sa mga nabanggit na bansa dahil sa matinding kaguluhan doon.