MANILA, Philippines - Pinigil ng Korte Suprema ang kautusan ng Commisison on Elections (Comelec) na tanggalin ng Diocese ng Bacolod ang “Team Patay at Team Buhay†poster sa harap ng San Sebastian Church.
Kasabay ng pagpapalabas ng temporary resÂtraining order (TRO), inatasan din ng SC ang ComeÂlec na magkomento sa loob ng 10 araw hinggil sa isyu.
Napag-alaman na ilang beses na pinadalhan ng Comelec ng notice ang Bacolod church dahil sa nasabing oversized poster. Giit kasi ng Comelec na maituturing na isang campaign propaganda na sakop ng kanilang regulasyon ang hakbang ng simbahan.
Bago ito, naghain ng petition for certiorari with the application for issuance of injunction o TRO sa Korte ang Diocese of Bacolod kaugnay sa pagpapatanggal sa kanila ng Comelec ng giant poster sa San Sebastian Cathedral.
Ani Atty. Ralph Sarmiento, isa sa mga legal counsel ng diocese, dalawang constitutional ground ang kanilang basehan sa pagsampa ng petition kasunod ng kautusan ng Comelec. Ito ay ang freedom of expression at ang sepaÂration of church and state.
Ikinatwiran ni Sarmiento na bilang isang pribadong sector may karapatan ang simbahan sa freedom of expression at hindi rin maaaring pigilan ng estado.