MANILA, Philippines - Nagpatikim na ang MaÂlaysian authorities ng kanilang matinding aeÂrial strikes at compoÂsite ground assaults upang tuluyang pulbusin at taÂpusin ang mga miÂyembro ng Sulu Sultanate Royal Army at mga tagasuporta ni Sultan Jamalul Kiram III na sinasabing mga ‘intruders†sa kanilang teritoryo sa Sabah kahapon.
Bukod sa dalawang army battalions para sa karagdagang ground attacks, gumamit na rin ng fighter jets ang Malaysian security forces at nagbagsak ng bomba sa lugar na hinihinalang pinagkukutaan ng may 100-300 Pinoy Muslims na pinamumunuan ng kaÂÂpatid ng Sultan na si Rajah Muda Agbimuddin Kiram sa Tanduo village, Lahad Datu sa Sabah.
Ang aerial at ground attacks laban sa Rajah Muda group ay siniÂmuÂlan alas-7 ng umaga kaÂhapon matapos na ibaÂsura ng Malaysia ang apela ng Pilipinas na mag-exerÂcise o magpatupad ng “maÂxiÂmum tolerance†sa mga tagasuporta ni Kiram na armadong pumasok sa Sabah.
Wala pang report na Pinoy o Malaysian casualties sa nasabing pag-atake.
Sinabi ni Malaysian Prime Minister Mohamed Najib bin Abdul Razak na mananagot ang mga Pinoy na sangkot sa standoff at kakasuhan sila ng multiple murder dahil sa pagkamatay ng walong pulis-Malaysia. Ayaw aniÂya nila na dumanak pa ang dugo subalit nakikita nila na walang planong umalis ang grupo ni Kiram kaya dapat din nilang depensahan ang kanilang soberenya.
Gayunman, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na muli niyang ihihirit sa Malaysian government ang apela na “maximum toleranceâ€.
Hiniling rin kahapon ni del Rosario kay MaÂlayÂsian Foreign Minister Dato Sri Hj. Aman Anifah na magÂlagay ng “safety corÂriÂdor†o ligtas na daanan sa Lahad Datu para makaalis ang mga sibilyang Pinoy na hindi sangkot sa grupo ni Rajah Muda na tinutugis ng Malaysian troops.
Hanggang kahapon ay wala pang natatanggap ang DFA na cleaÂrance mula sa Malaysian government na nagbibigay pahintulot na makaÂpaglayag sa border ng Malaysia at makadaong sa Lahad Datu ang Philippine Navy ship lulan ng mga medical personnel at social workers at mga pagkain at gamot para sa consular mission at meÂdical assistance sa mga sugatan at biktima ng nagaganap na karahasan sa Sabah.