MANILA, Philippines - Naniniwala si PanguÂlong Benigno Aquino lll na ilang opisyales ng nakaraang administration ang nagsulsol at sumusuporta Kay Sultan Jamalul Kiram lll upang lumusob ang mga followers nito sa Sabah, Malaysia.
Sinabi ni Pangulong Aquino sa media briefing sa Palasyo, Hindi kakayanin ni Sultan Kiram ang paglulunsad ng nasabing hakbang upang dalhin ang puwersa nito sa Sabah.
Wika pa ni Aquino, iniipon na nila ang mga ebidensiya upang managot at kasuhan ang mga dating opisyales ng nakaraang administration na nag-udyok sa grupo ni Kiram para sumugod sa Sabah.
“Sa mga taong nasa likod nito, ngayon pa lang, sinasabi ko sa inyo: Hindi kayo magtatagumpay. Pananagutin natin ang mga nagkasala sa bansa,†wika pa ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, nakausap niya noong Sabado ang Punong Ministro ng Malaysia at sinigurong hindi madadamay ang may 800,000 Pinoy na ninirahan sa Sabah.