Pope Benedict XVI pararangalan ng House

MANILA, Philippines - Isang resolusyon ang inihain sa Kamara na nag­ lalayong bigyang para­ngal at pagkilala ang nagretirong si Pope Benedict XVI.

Sa resolution 3038 na inihain ni Bacolod City Rep. Anthony Golez, dapat kilalanin at pasa­lamatan ng Kamara ang Santo Papa na nagpakita sa buong mundo na ang Pilipinas ay isang respetadong bansa ng mga Kristiyano.

Ito ay dahil sa itinanghal din ang ikalawang santong Pilipino na si Saint Pedro Calungsod sa termino ni Pope Benedict 16th na isang mala­king karangalan para sa Pilipinas.

Ayon pa sa mambabatas, ang nasabing re­solusyon ay isa rin hakbang ng Kamara upang makapag-reach out sa simbahang katoliko ma­tapos ang kontrobersyal na pag­sasabatas sa Reproductive Health law.

Iniwan ng Santo Papa ang kanyang pwesto kahapon matapos magsil­bi bilang pinakamataas na lider ng simbahang kato­liko sa loob ng walong taon. Umaasa si Golez na maipapasa ang kanyang resolusyon sa pag­­babalik ng sesyon ng kon­­­greso sa Hunyo.

 

Show comments