Manila Bay Seasports ilulunsad

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Manila Broadcasting Company sa mga nais lumahok sa ilulunsad na 2013 Manila Bay Seasports Festival sa Marso 16 at 17, 2013.

Sa proyekto ng MBC at Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, tampok ang pinagsanib na koponan ng mga lalaki’t babae sa Dragon Boat Race, at mga batikang bangkero mula sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan.

Tinatayang aabot sa P.1 milyon ang nakalaang pa-premyo sa mga karera, kung saan  matutunghayan ang kaka­ibang bilis at lakas ng mga naturingang atletang dagat. 

Tig-32 kalahok lamang ang tatanggapin sa stock at formula races ng tinaguriang “bancathon.”  Ang mga interesadong sumali ay dapat tumawag agad kay Lida Aquino sa Tel. #832-6175 simula Pebrero 20 kung saan first-come, first-served ang pagpaparehistro.

Ang  nasabing festival ay suportado ng Caltex, Ginebra San Miguel, Eve­ready, ang SSS, My Juiz, Cobra Energy Drink, M. Lhuillier, Manila Ocean Park, at Cord Marine Epoxy.

 

Show comments