MANILA, Philippines - Sa mahihirap dapat ilaan ang pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office at hindi sa medical benefits ng mga empleyado ng PCSO.
Ito ang inihayag ng Commission on Audit kasabay ng pagbabawal sa PCSO sa paggamit ng pondo na ang dapat na benepisyaryo ay ang mahihirap subalit ibinibigay para sa medical benefits ng mga kawani nito.
Ayon sa COA, ang Charity Fund ay nakalaan para sa national health programs at medical assistance sa indigent patients na eksklusibong account para tustusan at makakuha ng konting halaga sa mga nangangailangan.
Ginawa ng komisyon ang rekomendasyon matapos na repasuhin ang PCSO’s annual medical benefits ng mga kawani sa ilalim ng Employees Medical Assistance (EMAP) na nagkakahalaga ng P92.4 million noong 2011 na kung saan ay naka-charged sa Charity Fund ng PCSO imbes na sa Operating Fund nito.
“This resulted in the improper disbursement of government funds and reduced the financial assistance granted to the indigents who are the true beneficiaries of the Charity Fund of the PCSO,†anang COA base sa 2011 Audit Report ng PCSO.
Nabatid pa na ang Employees Medical Assistance Plan (EMAP) ay ipinagkakaloob sa mga kuwalipikadong PCSO employees at dependents nito na kung saan ang kanilang benepisyo ay kukunin sa 15% Operating Fund at charged sa savings ng ahensiya.
“Stop immediately charging the EMAP beneÂfits from the Charity Fund. All payments of said benefits should be sourced from the 15 per cent operating fund,†diin ng COA.
Sa naturang COA report, napag-alaman na namahagi ang PCSO ng P302.8 milyong halaga ng grocery, bonus at Christmas assistance sa mga empleyado nito noong 2011 na isa umanong paglabag sa itinakdang patakaran ng ahensiya.
Nabulgar sa pag-audit na kinuha sa PCSO Provident Fund account ang mga ipinamahagi sa mga kawani nito noong 2011 ay ang CNA Grocery Assistance Program, CNA Christmas Assistance Program (2 buwan Christmas bonus), CNA Grocery bonus at 2011 CNA Employees Mutual Fund Projects tulad ng rice allowance, draw allowance at medicine na umabot sa P302,795,557.71 na taliwas sa COA Circular No. 85-55-A gayundin, ang pagbabayad ng allowances at iba pang klase ng karagdagang kompensasyon na walang sapat na awtorisasyon.
Anang COA, ang sobrang laking halaga ay isang “irregular expenditure†dahil kinuha ito sa PCSO Provident Fund na kung saan ay inirekomenda ng komisyon na ihinto ang nasabing practice.