MANILA, Philippines - Isasabay sa pagdiriwang ng ika-27 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ang paglagda sa Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013.
Ayon kay Presidential Communications OpeÂrations Office Secretary Sonny Coloma, magiÂging sentro ng pagdiriwang ang People Power Monument na nasa kabahaan ng EDSA.
Layunin din umano ng lalagdaang batas na opisyal na kilalanin ng gobyerno ang naganap na karahasan at kalupitan sa mga mamamayan at ang pagbibigay sa kanila ng karampatang kompensasyon.
Partikular na makiÂkinabang sa lalagdaang batas ang mga naging biktima noong panahon ng Martial Law.
Kahapon opisyal na nagsimula ang tatlong araw na selebrasyon ng paggunita sa People Power I sa pamamagitan ng wreath-laying ceremony sa Libingan ng mga Bayani na pinangunahan ni dating Pangulong Fidel Ramos na isa rin sa mga tinatanghal na bayani ng EDSA.
Ang main program ay idaraos sa darating na Lunes at ang sentro ng mga pagdiriwang ay sa People Power Monument.