MANILA, Philippines - Hinimok ng isang mambabatas si Pangulong Aquino na tiyakin na magkakaroon ng maÂpayapang pagtatapos ang standoff sa Sabah, kung saan ilang daang Filipino ang nagpupumilit na bawiin ang nasabing lupain mula sa Malaysia.
Ayon kay Senador Loren Legarda, isa sa kandidato ni Pangulong Aquino sa pagka-senador, marapat lamang na pakinggan ng gobyerno ang karaingan ng mga taong lumusob sa Sabah.
Gayunman, sinabi ni Legarda na ang dapat unahin ng pamahalaan ay ang mapayapang pagtatapos ng standoff, lalo pa’t responsibilidad ng gobyerno ang kapakaÂnan ng bawat Filipino na nasa ibang bansa.
Hinimok din nito ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tutukan ng husto ang mga kagaÂnapan sa Sabah, lalo pa’t ayaw bumalik ng Sulu ang mga follower ni Sultan Jamalul Kiram III hangga’t hindi nababawi ang sinasabing lupain ng Sultanate of Sulu.
“The DFA needs to keep the communication lines open and ensure that the rights of all those involved are preserved.â€ani Legarda.
Samantala, itinanggi ni MNLF chairman Nur Misuari na may kinalaman siya sa naging hakbang ni Kiram III nang utusan ang kanyang mga followers na okupahin ang Sabah.
Inamin ni Misuari na may ilang MNLF fighters ang kasama na umokupa sa Sabah kasama ng followers ni Sultan Kiram sa Sabah subalit hindi raw nagpaalam ang mga ito sa kanya.
Suportado naman ni Misuari ang pagbawi sa Sabah dahil ito ay pag-aari taÂlaga ng Sultanate of Sulu.
Ang namuno sa pagpunta sa Sabah ay ang kapatid ni Sultan Kiram na si Raja Muda Abimuddin Kiram kasama ang may 400 na royal forces ng Sultanate of Sulu.
Ipinaliwanag ni Misuari, ang Sabah ay iniregalo sa kanyang lolo sa tuhod na si Panglima Mahabassa Elidji ng Sultan ng Brunei pero nang paupahan ang Sabah sa British North Borneo Company ay kaÂsaÂmang ibinigay ito sa Malaysian government. Mula noon ay umuupa na lamang ng 5,300 ringgit ang Malaysia sa Sultanate ng Sulu para sa paggamit sa Sabah.