MANILA, Philippines - Ang Department of Justice (DOJ) na ang hahawak sa kaso ng pagkakadakip kay Manila Vice Mayor Isko Moreno at lima pang konsehal ng siyudad dahil sa pa-bingo sa Sta. Cruz Maynila noÂong SaÂbado.
Ito’y matapos ihayag ni Justice Secretary Leila de Lima na nag-inhibit ang mga piskal sa Lungsod ng Maynila sa pag hawak sa kaso.
Matatandaang inaÂresto sina MoÂreno at liÂmang konsehal pero piÂnakawalan din maÂtaÂpos ibasura ng Manila Prosecutor’s Office ang reklamong illegal gamÂÂbling na isinampa ng MaÂnila police.
Paliwanag ni de Lima, nagpasya ang mga piskal ng Manila Prosecutors’ Office na mag-inhibit dahil na rin sa pagiging senÂsitibo ng nasabing kontrobersiya.
Una na umanong iniÂrekomenda ni Manila Chief Prosecutor Edward Togonon na mailipat sa DOJ ang pag-iimbestiga sa kaso na sinang-ayunan naman ni Prosecutor General Claro Arellano.
Tinukoy pa ng kalihim na nais nilang maprotektahan ang mga local prosecutor mula sa panggigipit o impluwensya na may kinalaman sa pulitika.
Samantala, pormal nang sinampahan ng kaÂsong administratibo ni Moreno sa National Police Commission (Napolcom) ang Police CommuÂnity Precinct (PCP) commander na si P/Insp. EduÂardo Morata at 30 pang pulis na dumakip sa kanya.
Partikular na isinampa sa Napolcom ang kasong “grave misconduct at abuse of authority†laban sa mga pulis.
Bukod rito ay ipinagÂharap na rin ng patong-patong na kasong kriminal ng grupo ni Moreno sa Office of the Ombudsman si Morata at 30 pang pulis.
Partikular na isasampa nila ay roberry, grave coerÂcion, unlawful arrest, arbiÂtrary detention at incriminating innocent person.
Wala pang isinasampang kaso si Moreno laban kay Station 3 commander PSupt. Ricardo Layug kung saan naghahanap pa sila ng ebiÂdensya. Binigyan naman ng Napolcom si Morata ng limang araw upang sagutin ang kaso laban sa kanya.