MANILA, Philippines - Ikinakasa ang isang malawakang tigil pasada ng grupong Pinag-isang Samahan ng Tsuper at OpeÂrator Nationwide (PISTON) sa susunod na buwan dahil sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo sa bansa.
Ayon kay George San Mateo, national president ng PISTON, ang nakatakdang transport strike ay bilang paghahanda sa isasagawang “Laban ng Bayan†para iparating ang kanilang pagtutol sa pamahalaan kaugnay ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.
Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan ang PISTON sa iba pang transport sectors sa buong bansa, estudyante, kawani ng pamahalaan, guro, commuters at iba pang manggagawa para sa isasagawang transÂport strike.
Binigyang diin ni San Mateo na hindi titigil ang samahan sa mga pagkilos hanggat walang nagaganap na pagkilos ang pamahalaan upang tutulan ang oil price hike.