Standoff sa Sabah daanin sa maayos na usapan -- Senator

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Senator Gregorio Honasan na dapat daanin sa maayos na usapan ang nangya­yaring ‘standoff’ sa Sabah, Malaysia.

Ayon kay Honasan, hindi dapat makaapekto sa gina­gawang ‘peace process’ at ‘framework agreement’ sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Li­beration Front (MILF) ang nangyayaring girian sa pagitan ng Pilipinas at ng Malaysia.

Posible umanong isipin ng Malaysia na may pro­­yektong pinayagan ang Philippine government sa na­sabing lugar para igiit ang pag-angkin dito habang nangyayari ang peace talks.

Hindi aniya dapat idaan sa armed conflict ang pagbuhay sa claim ng Pilipinas sa Sabah.

“But I agree that we can revive our claim over Sabah,  but not in this manner that we might be perceived as trying to initiate an armed conflict here,” dagdag ni Honasan.

 

Show comments