MANILA, Philippines - Hindi maaring gamitin ni Sen. Miriam Defensor Santiago bilang depensa ang “immunity by insaÂnity†upang hindi makasuhan sa mga paninirang ginagawa nito, ayon kay Sen. Panfilo “Ping†Lacson.
Umalma na kahapon si Lacson laban kay Santiago isang araw matapos siyang tawaging “Pinky†Lacson ng senadora.
Sinabi ni Lacson na mahilig talaga si Santiago na magbigay ng iba’t ibang uri ng pangalan sa mga nakakabangga niya dahil iniisip umano ng senadora na maaaring malusutan niya ang mga ito sa pag-invoke ng “immunity by insanityâ€.
Nilinaw ni Lacson na hindi totoo ang nais ipahiwatig ni Santiago na isa siyang bakla.
Inamin ni Lacson na hindi na siya natutuwa sa mga patutsada ni Santiago na nag-umpisa sa usapin ng karagdagang pondo o maintenance and other operating expenses (MOOE) ng mga senador.