MANILA, Philippines - Kakasuhan at agad sisibakin sa serbisyo ang sinumang opisyal at tauhan ng Bureau of Jail MaÂnagement (BJMP) kapag napatunayang may foul play o cover-up sa kaso ng pagbibigti umano ng suspect na testigo sa kaso ng ambush-slay sa brodkaster na si Gerardo “Doc Gerry“ Ortega.
Ito ang tiniyak kahapon ni DILG Secretary Mar Roxas II matapos na makarating sa kaniyang kaalaman ang pagsigaw ng foul play ng pamilya ng witness na si Dennis Aranas.
Si Aranas, ayon sa follow-up investigation ng pulisya ay natagpuan umanong nakabigti sa loob ng selda nito sa Quezon District Jail sa Lucena City bandang alas-10 ng umaga noong Martes.
Ayon sa Kalihim, intresado rin siyang malaman kung bakit hindi naÂbigyan ng pagkakataon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng PNP na siyasatin ang kriÂmen, o ang pagkamatay ni Aranas at ang lugar kung saan ito natagpuang patay.
Base sa report ni Jail Chief Supt. Diony Mamaril, officer-in-charge ng BJMP, kinumpirma sa autopsy report ng MeÂÂdico Legal Officer ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasawi sa asphyxia o pagbibigti si Aranas. Si Aranas ang umaÂno’y nagsilbing look out sa krimen.