MANILA, Philippines - Tiniyak ng Estados Unidos na popondohan nila ang pagsasaayos at modernisasyon ng ranger station saTubbataha Reef.
Batay ito sa inilabas na pahayag ng US Embassy kung saan kabilang dito ang installation ng radar at communications equipment sa istasyon na magagamit ng mga Park Rangers at Philippine Coast Guard para maiwasan ang mga posible pang pagsadsad, collisions ng mga barko at para maprotektahan ang lugar sa mga marine poachers.
Ibabahagi rin umano ng Estados Unidos ang kanilang cartographic information at hydrographic survey data sa Philippines National Mapping and Resource Information Authority para mapalakas ang pagbabantay sa bahura.
Sa susunod na mga araw, magsasagawa rin ang US Embassy ng isang roundtable discussion sa mga local coral reef conservation experts para marinig ang kanilang concerns at pag-usapan ang conservation at restoration ng Tubbataha Reef.