MANILA, Philippines - Itinalaga na ni Pangulong Benigno Aquino III si Eduardo del Rosario bilang kapalit ng nagbitiw na si Benito Ramos bilang acting administrator ng Office of Civil Defense (OCD).
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bukod kay del Rosario ay itinalaga na din ni Pangulong Aquino bilang deputy chief of staff si Lt. Gen. Alan Luga epektibo nitong Pebrero 1.
Magugunita na nagbitiw si Ramos bilang executive director ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa katwiran na nais nitong bantayan ang asawang may sakit.
Bilang acting administrator ng OCD ay tatayo na din na executive director ng NDRRMC si del Rosario.