MANILA, Philippines - Trinato nila kami ng maayos at hindi sinaktan!.
Ito ang pahayag kahapon ng dalawang Pinoy crewmen na sina Rolando Letrero at Ramilito Vela matapos na palayain ng mga kidnappers na Abu Sayyaf Group (ASG) matapos ang mga itong humarap sa media kahapon sa Camp Crame.
Ayon kay Vela sa loob ng walong buwang pagkaÂkabihag, ni minsan ay hindi umano sila sinaktan, sa halip ay maayos umano silang pinakakain.
“Nang umakyat kami sa bundok ay hindi na nila kami pinababa, hostage na raw kamiâ€, ani Vela.
Sinabi pa ni Vela, limang araw bago sila nakalaya ay inihiwalay na sa kanila si Atyani at mula noon ay hindi na nila nakita pa ang kanilang reporter.
Sinabi naman ni PNP-AKG Director P/Sr. Supt Renato Gumban na nagawa pang makatawag ni AtÂyani sa pamilya nito sa Dubai noong Enero ng taong ito para ipaalam na nasa maayos siyang kalagayan.
Humihingi umano ng P20-M ransom ang mga bandidong ASG kapalit ng paglaya ni Atyani.
Inihayag naman ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas II na tuluy-tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga bandido.