MANILA, Philippines - May nagaganap umaÂnong iregularidad sa ilang departamento ng Bureau of Customs (BOC).
Ayon sa isang mapagkakatiwalaang impormante sa loob ng BOC na tumangging magpabanggit ng pangalan, may kuwestiyonable umanong kontrata sa ilang proyekto ang hindi dumaan sa tamang proÂseso at talamak umano ang “lagayan†sa tanggapan ng Interim Customs Accreditation and Registration (ICARE) ng BOC.
Sinasabing sangkot umano ang ilang opisyal at personnel ng BOC sa naturang anomalya at malayang namamayagpag ang mga ito sa loob at labas ng naturang ahensiya.
Sangkot din umano ang mga ito sa mga “paÂngoÂngotong†at binibiktima ang ilang individual na nagpa-follow-up ng transaksiyon.
Ibinunyag pa ng source, na ilang inspector ng ICARE ang nanghihingi ng malaking “lagay†sa ilang importers para mapabilis ang pagproseso ng kanilang mga papeles.
Ang “bulok†umanong sistema o katiwalian ay may basbas daw ng ilang opisyal ng BOC na siyang nagbibigay ng dungis sa imahe ng ahensiya.