MANILA, Philippines - Pinag-aaralan na ng mga mambabatas kung papaano mas palalakasin ang batas na naglalayong masawata ang pagdami ng mga nagkakaron ng HIV at AIDS upang mas matulungan ang mga biktima.
Ayon kay Sen. Pia CayeÂtano, chairman ng Committee on Health and Demography, mahalagang maipasa ang Senate Bill 3398 na tatawaging “Revised Philippine HIV and AIDS Policy and Prevention Actâ€.
Sinabi ni Cayetano na mahalagang mabalanse ang personal na interes ng mga biktima at ang kapangyarihan ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng HIV/AIDS.
Hindi aniya maaring basta-Âbasta na lamang malantad kung sino ang mga nagtaÂtaglay ng nasabing sakit dahil mayroon din naman silang karapatang pantao.
Pinag-aaralan na rin umano ng kanyang komite ang “practices†sa ibang bansa upang malaman kung magagamit ito dito sa Pilipinas.
Idinagdag ni Cayetano na wala naman penalty o parusa sa panukala dahil mas maÂhalaga pa rin ang pagsusulong ng edukasyon at counseling sa mga stakeholders.