MANILA, Philippines - Inilipat na kahapon sa PNP General Hospital sa Camp Crame ang kontrobersyal na si Sr. Supt. Hansel Marantan, ang team leader ng madugong AtiÂÂÂmoÂnan incident, sa Quezon na ikinasawi ng 13 katao noong Enero 6.
Ayon kay Chief Supt. Maria Angela Vidal, Director ng PNP Health Service, ganap na ala-1:30 ng hapon ng dumating sa Camp Crame si Marantan lulan ng isang pribadong behikulo na agad na idineretso sa PNP GeÂneral Hospital.
Si Marantan ay kabilang sa 22 pulis na sinibak sa puwesto bunga ng kuwestiyonableng shootout na isinailalim sa restrictive custody ng PNP at kabilang sa mga nahaharap sa kasong administratibo at kriminal.
Una nang isinugod sa St. Lukes Hospital sa GloÂbal City si Marantan kung saan ay ilang linggo itong nanatili sa nasabing pagamutan bago dinala sa Camp Crame.
Samantala, inaprubahan na kahapon ni PNP Chief Director General Alan Purisima ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa 22 opisyal at tauhan na sangkot sa madugong Atimonan incident.