MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima na inabisuhan niya si Pangulong Aquino na hindi kayang habulin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang unang itinakdang deadline sa pagsusumite ng isinagawang imbestigasyon sa Atimonan incident dahil sa marami pang nagagaÂnap na pag babago katulad ng pagsulpot ng mga testigo ng dalawang paÂnig.
Ang pagsulpot ng maÂrami pang development ang pinag-aaralan pa ngaÂyon ng NBI para isama sa isusumiteng ulat kaya hindi naihabol sa Pangulo bago ito tumulak kahapon sa Davos, Switzerland sa dadaluhang forum ng world leaders.
Ang Pangulo ay lumiÂpad bandang alas-11:00 ng umaga kahapon kaÂsama ang buong delegasyon para sa economic forum.
Samantala, nadagdagan ang ikatlong testigo sa panig ng DOJ at hawak na ng NBI.
Kinumpirma din ni de Lima na ang ikatlong testigo, na una nang nagÂtago dahil sa takot ay kusa nang lumapit sa NBI at ang salaysay umano nito ay tugma o nagco-corroborate sa mga testimonya ng naunang dalawang testigo.
Agad isinailalim sa Witness Protection ProÂgram (WPP) ang bagong testigo dahil naniniwala sila na may maitutulong ito sa ginagawang imbesÂtiÂgasyon ng ahensiya.