MANILA, Philippines - Ganap nang batas ang Kasambahay Bill matapos itong lagdaan ni Pangulong Aquino.
Ayon kay Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, ang Kasambahay Bill na isa nang Republic Act 10361 ay magiging epektibo matapos ang 15 araw.
“We are please to confirm that President Aquino signed Republic Act 10361 or An Act InsÂtituting policies for the protection and welfare of domestic workers last January 18,†wika ni Valte.
Nakapaloob sa KaÂsambahay Act ang pagbibigay ng dagdag benepisyo at pagkilala sa may dalawang milyong kasambahay sa buong bansa.
Ang isang kasambahay ay sasahod na ng minimum na P2,500 sa Metro Manila, P2,000 sa mga pangunahing muÂniÂsipalidad at siyudad at P1,500 sa iba pang bahagi ng bansa.
Bukod sa monetary compensation kabilang ang 13th-month pay, naÂÂkasaad din sa bagong batas ang pag-aatas sa mga employers na gaÂwing miyembro ang kanilang kaÂsambahay sa SSS, PhilHealth at Pag-ibig Fund at hatian ang mga ito sa pagbabayad ng konÂtribusyon.
Ang panukala ay naÂihain sa Kongreso may 15 taon na ang nakararaan subalit ngayon laÂmang ito ganap na naÂÂging isang batas sa ilaÂlim ng 15th Congress.
Nakasaad din sa nasabing Batas Kasambahay na ang eksaktong araw kung kailan nilagdaan ng Pangulo ang DoÂmestic Workers Act ay itatalaga bilang ‘Araw ng mga Kasambahay’. (Rudy Andal/Butch Quejada/Gemma Garcia/Malou Escudero)