MANILA, Philippines - Posibleng makaligtas ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa anumang pananagutan sa naganap na madugong Atimonan incident noong Enero 6, na ikinasawi ng 13 katao.
Pagbubunyag ito ng isang opisyal ng NBI na kabilang sa nagsasagawa ng imbestigasyon, bagamat tumangging pangalanan dahil kailangang maisapinal ang draft at maisumite kaagad ngayong araw kay Pangulong Aquino bago ito umalis patungong Davos, Switzerland.
Kumbinsido umano ang NBI na walang pananagutan ang PAOCC sa naganap na engkuwentro noong Enero 6 sa pagitan ng 13 nasawi at mga kagawad ng AFP at PNP dahil na rin sa malinaw umano na hindi nito binigyan ng go signal ang Case operation plan na isinumite ng grupo ni Supt. Hansel Marantan.
“The explanation made by Chief Supt. Reginald Villasanta, PAOCC executive director, was acceptable,†ayon pa sa opisyal.
Matatandaan na nang humarap si Villasanta sa imbestigasyon ng NBI ay inamin nitong isinumite sa kanila ang Coplan Armado ngunit hndi ito inaprubahan dahil sa kawalan ng mga requirements.
Gayunpaman inamin nitong nagbigay ang ahensya ng P100,000 ngunit hindi umano ito pondo para sa operasyon bagkus ay pondo para sa pangangalap ng impormasyon o intelligenece fund para matiyak ang airtight case laban sa mga target nito.
Nilinaw naman ng NBI na sentro ng kanilang imbestigasyon na una nang iniutos ni Justice Secretary Leila de Lima ay siyasatin kung lehitimo ang naging operasyon at kung sino ang dapat na managot sa pangyayari, sa kaso umano ng PAOCC ay maging ito ay hindi batid na nagkaroon ng operasyon.