MANILA, Philippines - Kinumpirma ng MalaÂcañang na lagda na lamang ni Pangulong Aquino ang kailangan upang maging ganap na batas ang Kasambahay bill.
Sinabi ni Deputy PresiÂdential Spokesperson Abigail Valte, naipadala na sa Palasyo ang inaprubahang Kasambahay bill ng Kongreso pero hindi sila tiyak kung malalagdaan na ito ng Pangulo bago umalis sa Miyerkoles patungong Davos, Switzerland upang dumalo sa World Economic Forum.
Samantala, pinaghandaan din ng Pangulo ang mababang temperature sa Davos kung saan ay iniulat na aabot sa negative 4 degrees ang lamig doon.
Maging ang media delegation na kasama ng Pangulo ay pinaalalahaÂnan at pinaghanda upang hindi sila magkasakit sa sobrang lamig ng panahon doon.
Ito ang kauna-unaÂhang pagdalo ni PNoy sa World Economic Forum mula ng maupo itong chief executive ng bansa.