MANILA, Philippines - Kasong administratibo at kriminal ang isasampa sa nasibak na hepe ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) Police kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng barilan sa Atimonan na ikinasawi ng 13 katao noong Enero 6.
Sinabi ni PNP Chief Director General Alan Purisima na bagaman wala sa aktuwal na opeÂrasyon ang nasibak na si dating Police Regional Office (PRO) IV A Director P/Chief Supt. James Andres Melad ay ito ang lumagda sa “Coplan Armado†upang isagawa ang operasyon laban sa grupo ng umano’y lider ng gun-for-hire na si Vic Siman.
Una nang inamin ni Melad na inaprubahan niya ang operasyon pero hindi niya nalalaman ang mga nakalagay sa rekomendasyon ni Sr. Supt. Hansel Marantan, Deputy Chief for Intelligence ng PRO IV-A at team leader ng grupo na nagsagawa ng checkpoint na nauwi sa madugong barilan.
Wala ring maipaliwanag si Melad sa kaso ng “Atimonan 13†dahil wala umano siya sa lugar na pinangyarihan ng insidente at hindi niya ito personal na nasaksihan.
Si Melad, ayon kay Purisima ay may panaÂnagutan sa isyu ng comÂmand responsibiÂlity partikular na sa ‘case operation plan’ matapos na pirmahan ang Coplan Armado laban sa grupo ni Siman, umano’y operator ng illegal na bookies.
“Kung ang kaniyang (Melad) declaration ay doon sa sinasabing case operation plan at siya po ay nakapirma doon, siya ay makakasama sa conspiracy dahil meron po silang case operation plan na gawin yun,†paliwanag ni Purisima.
Bukod sa target na si Siman, nasawi rin sina Sr. Supt. Alfredo Consemino, Group Director ng Police Regional Office (PRO ) IV A , dalawang police security escort nito, dalawang sundalo ng Philippine Air Force, ang environmentalist na si Jun Lontok at iba pa.